Home NATIONWIDE Suply ng tubig, sapat sa kabila ng napakalakas na El Niño –...

Suply ng tubig, sapat sa kabila ng napakalakas na El Niño – Palasyo

1
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na sapat ang suplay ng tubig sa bansa sa kabila ng umiiral na El Niño phenomenon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nararanasan na ang napakalakas na El Niño sa tropical Pacific.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na sapat ang suplay ng tubig sa mga dam at iba pang pinagkukunan nito.

“Tinitiyak po ng pamahalaan na sapat ang suplay ng tubig sa mga dams at mga water sources. Noong November 3, nasa 208.70 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam, mas mataas sa minimum operating level na 180 meters,” ani Castro.

Tiniyak din umano ng Department of Agriculture na sapat ang suplay ng pagkain, partikular ng bigas. Samantala, sinabi ng Department of Energy na sinisiguro nito ang maayos na maintenance ng mga planta ng kuryente.

“Sabi nga ng Pangulo, ibang klase ang very strong El Niño na nararanasan natin at mararanasan pa sa mga susunod na araw pero handa po ang gobyerno na tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan,” dagdag ni Castro. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here