Home NATIONWIDE Lahat ng national roads sa DavOr madaraanan sa sunod-sunod na lindol –...

Lahat ng national roads sa DavOr madaraanan sa sunod-sunod na lindol – DPWH

292
0

MANILA, Philippines – Madaraanan ang lahat ng national roads sa Davao Oriental matapos ang sunod-sunod na lindol, sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa kanyang pagbisita sa probinsya, sinabi ni DPWH secretary Vince Dizon na pinapunta sila ng Pangulo sa lugar dahil nais niyang nakapagbigay ng agarang relief hanggang sa kanilang makakaya.

Kasama ni Dizon na bumisita sa probinsya sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, DepEd Secretary Sonny Angara, at Mindanao Development Authority (MinDA) Chairperson Leo Magno sa Davao Oriental.

Nangako naman si Dizon ng tulong para sa repair ng local roads at public structures.

Ayon sa initial assessment ng DPWH, lahat ng national roads sa Davao Region ay maaaring daanan ng publiko. Ang mga nakitang sira ay sa mga local roads dulot na rin ng ilang landslides kasunod ng lindol.

Ipapaubaya ng DPWH ang ilang quick response assets nito sa provincial government para mapabilis ang kanilang clearing operations.

Buong pwersa ring ibubuhos ng DPWH ang pagtulong upang masimulan ang agarang pagbubuo ng medical tents, evacuation sites at sinimulan na rin ang assessment ng iba pang public structures tulad ng schools at hospitals sa Davao Oriental.

“Whether it’s a state of calamity or not, we’re already here. We’re going to give everything that we can provide especially yang immediate relief to the province and the municipalities that were affected. Kasi ‘yun ang number one na priority ng Pangulo natin,” sabi ng kalihim.

Inutos din ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kalihim na siguraduhing nasa maayos na kalagayan ang mga apektadong residente ng sunud-sunod na lindol. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here