Home OPINION RIGODON SA LTO AT LTFRB, BAKIT?

RIGODON SA LTO AT LTFRB, BAKIT?

345
0

MATAGAL nang usap-usapan ang balasahan sa Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Kamakailan, inanunsyo ng Malacan̈ang na ang bagong LTO chief ay si Marcus Lacanilao. Pinalitan niya si Atty. Vigor Mendoza na inilipat naman sa LTFRB at humalili kay Atty. Jojo Guadiz na inilipat naman sa Office of Transport Cooperatives.

Mahahalagang ahensya ng pamahalaan ang LTO at LTFRB dahil transportasyon at milyon-milyong pasahero ang apektado sa anomang pagbabago sa liderato.

Kaya naman marami ang nagtanong. Bakit? Wala naman opisyal na pahayag dito.

In fairness kay Atty. Vigor Mendoza, maayos ang performance niya as LTO Chief at wala naman clamor o ugong na papalitan siya. Kay Atty. Guadiz naman, may issues of incompetence na ibinabato laban sa kanya ang ilang transport leaders pero may mga dumepensa naman sa kanya.

Si Ambassador Lacanilao naman ay dating special envoy on Transnational crime na contempt ng Senado dahil sa diumano ay pagsisinungaling. Si Lacanilao ang personally nag-turn-over kay dating President Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.

May kasabihan “if it is not broken why fix it?”

Bagama’t kapangyarihan ng Presidente ang pumili ng kanyang mga itatalaga opisyal, marahil karapatan naman ng mga tao malaman kung ano ang dahilan at bakit siya/ sila ang itinalaga.

Sino ba naman ang Lawyers for Commuters Safety and Protection para kwestyunin ang ganyang mga desisyon? Pero babantayan namin ang galaw ng mga namumuno kasama ang mga bagong upong opisyal pagkatapos ng pagbabalasa. Hindi kami naniniwala na walang mas malalim na dahilan ang rigodon na yan.

Pero marahil dapat may fixed term na ang LTO Chief at LTFRB Board para hindi hinihingi na lang ng basta basta ang kanilang “upuan”.

===============================================
Atty. Ariel Inton
Founder, Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)
09178174748

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here