Home HOME BANNER STORY P6.7-trilyong budget para sa 2026 apurb na sa Kongreso; P1.28-T sa edukasyon,...

P6.7-trilyong budget para sa 2026 apurb na sa Kongreso; P1.28-T sa edukasyon, inilaan

361
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa nitong Lunes ang bersyon nito ng ₱6.793-trilyong pambansang budget para sa 2026 sa ilalim ng House Bill 4058, na may 287 boto pabor, 12 laban, at dalawang abstensiyon.

Kasama rito ang ₱56.6 bilyong realignment na nagtaas sa pondo para sa sektor ng edukasyon sa ₱1.28 trilyon, ang pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa.

“The ₱1.28 trillion for the education sector is the highest ever in the history of our country. This is the first time we have breached the 4% international benchmark,” ayon kay Rep. Mikaela Suansing, chairperson ng House Committee on Appropriations, na nagsabing katumbas ito ng 4.1% ng GDP.

Muling inaral ng Kamara ang ₱255 bilyon mula sa flood control projects ng DPWH matapos punahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang umano’y iregularidad. Sa halagang ito, ₱102 bilyon ang inilipat sa mga pangunahing serbisyo, kabilang ang ₱32.6 bilyon para sa AICS, ₱14.8 bilyon sa TUPAD, at ₱56 bilyon para sa mga programa ng CHED, TESDA, PSHS, at SUCs.

Binawasan din sa ₱733 milyon ang budget ng Office of the Vice President, matapos hindi dumalo si Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng kanyang tanggapan. Inalis din ng mga mambabatas ang ₱35 bilyon na pondo sa unprogrammed fund ng SAGIP program.

“We made sure that the public will see every single line item. We want the public to see, line by line, where every peso of public funds go,” ayon pa kay Suansing.

Samantala, tinutulan ng Makabayan bloc ang panukalang budget, na tinawag itong pagpapatuloy ng “corrupt pork barrel system.”

“This budget is a brazen continuation of the corrupt pork barrel system… Despite the ongoing corruption scandal, the 2026 budget retains a massive presidential and legislative pork barrel totaling at least ₱695.78 billion,” pahayag ng grupo, na sinisi rin ang Pangulo sa umano’y katiwalian sa paggamit ng pondo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here