Home NATIONWIDE Isa sa 3 kawani ng gobyerno, walang kasiguraduhan sa trabaho – CSC

Isa sa 3 kawani ng gobyerno, walang kasiguraduhan sa trabaho – CSC

294
0

MANILA, Philippines – Ibinunyag ng Civil Service Commission (CSC) na halos isang-katlo ng mga manggagawa sa gobyerno ay walang security of tenure, ayon sa datos na inilabas sa budget hearing ng Senado para sa 2026.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, umabot sa 919,000 ang mga job order (JO) at contract of service (COS) workers sa halos 3 milyong empleyado ng gobyerno—na nangangahulugang wala silang benepisyo at katiyakan sa trabaho.

“That’s close to one-third of our workforce, and about 10% of authorized positions remain unfilled,” ani Gatchalian, na binanggit ang libo-libong bakanteng posisyon sa mga ahensyang tulad ng Bureau of Treasury, Department of Finance, at Bureau of Internal Revenue (BIR) kahit patuloy silang kumukuha ng JO at COS workers.

Tinawag ni Gatchalian na “counterintuitive” ang sistema, at iginiit na dapat punuan ang mga regular na posisyon upang mapabuti ang morale at matamasa ng mga manggagawa ang benepisyo.

Kinilala ni CSC Chairperson Marilyn Barua-Yap ang problema, at ipinaliwanag na hindi saklaw ng CSC ang mga JO at COS kundi ng Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Audit (COA).

“Hindi ho talaga tama ’yon… matagal na tayong nagco-contract of service,” ani Yap, na nagsabing pinag-uusapan na ng tatlong ahensya ang posibleng long-term benefits para sa mga naturang manggagawa.

Ibinahagi rin ni Yap ang mga bagong polisiya ng CSC, kabilang ang 10-point preferential rating sa civil service exam para sa mga JO, COS, at contractual workers, at ang pag-amyenda sa educational requirements upang makapasok din ang junior at senior high school graduates sa mga entry-level na posisyon sa gobyerno. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here