MANILA, Philippines – Naantig ang damdamin ni Ate Gay sa gesture ng isang ina na lumapit sa kanya sa isang shopping mall kamakailan.
Unable to contain her joy, Ate Gay–or Gil Morales in real life–took to her Facebook account her story.
Aniya, kasama ang pamilya nito sa SM South Mall ay nilapitan daw siya ng isang ginang.
Maya-maya pa’y mahigpit daw siyang niyakap nito, sabay iniabot sa kanya ang isang bracelet na may litrato ni Padre Pio.
Si Padre Pio ay kilalang mapaghimalang santo na pinaniniwalaang nagpapagaling ng
sari-saring karamdaman.
“Pagdasalan mo ito at gagaling ka,” sabi raw ng ina sa kanya.
Sa puntong ‘yon ay hindi na napigilan ni Ate Gay na maluha, sabay nagpasalamat sa ina:
“Maraming salamat sa pagmamahal n’yo!”
Kung matatandaan, kamakailan lang ay masayang ibinalita ng standup comedian na makaraan ng tatlong araw mula nang sumailalim siya sa radiation treatment, ang dating 10 cm na bukol niya’y umimpis na nang
8.5 cm.
Thirty five days ang kakailanganing bilang ng araw para sa kanyang chemotherapy at radiation sa Asian Hospital and Medical Center. Ronnie Carrasco III