Home NATIONWIDE Easterlies magpapaulan sa bansa ngayong Miyerkules

Easterlies magpapaulan sa bansa ngayong Miyerkules

311
0

MANILA, Philippines  — Magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Miyerkules ang easterlies na nakaaapekto sa Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa abiso ng PAGASA alas-4 ng madaling araw, mararanasan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Eastern Visayas, Isabela, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon, Capiz, Aklan, Cebu, at Bohol.

Samantala, makararanas ng maulap na papawirin na may mga panaka-nakang pag-ulan ang Batanes, Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte dahil sa northeasterly windflow, habang ang Mindanao ay makararanas ng mga lokal na pagkidlat at pag-ulan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here