MANILA, Philippines – Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG) ang byahe ng lahat ng uri ng sasakyang pandagat sa mga lugar na apektado ng bagyong Ramil.
Sa abiso ng PCG, saklaw ng suspension ang eastern portion ng Norhern Samar, kabilang ang bayan ng Laoang, Catubig, Palapag, Mapanas, Gamay, Lapinig, Pambujan at San Roque.
Layon ng direktiba na masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at mga sasakyang pandagat sa posibleng sama ng panahon.
Pinaalalahanan din ng PCG ang mga operator ng fishing boats, passenger motor bancas at maliliit na watercraft na may gross tonnage na tatlo o mas mababa na magsagawa ng karagdagang pag-iingat at iwasan ang hindi kinakailangang paglalakbay sa dagat. Jocelyn Tabangcura-Domenden