Home METRO ‘Taong labas’ todas sa engkuwentro sa bundok sa Bulacan

‘Taong labas’ todas sa engkuwentro sa bundok sa Bulacan

336
0

BULACAN, Philippines – Patay ang isang hinihinalang rebelde nang makaengkuwentro ang mga hukbo ng pamahalaan sa magubat at bulubunduking lugar sakop ng bayan ng Norzagaray nitong  Oktubre 17.

Sa report, naganap ang bakbakan ng platoon mula sa 73rd Division Reconnaisance Company, na under the operational control ng 703rd Infantry “Agila” Brigade at nasa 20 New Peoples Army (NPA) bandang 2:40 ng hapon sa Sitio Balagbag, Brgy. San Lorenzo.

Ayon sa report, isinagawa ang operasyon ng mga tropa ng pamahalaan nang makatanggap ng impormasyon sa concerned resident na may namataang grupo na nagsasagawa ng subersibong aktibidad sa lugar.

Dahil dito, rumesponde ang mga sundalo sa lugar subalit agad silang pinaputukan kaya napilitan silang gumanti at napaatras matapos ang 10 minutong bakbakan sa hilagang-kanluran ang nasa 20 armadong indibiduwal, ayon na rin sa report.

Nang humupa ang mga putok ay narekober ng mga sundalo ang isang nakahandusay na indibiduwal, M14 rifle at limang jungle packs.

Sinasabing walang napaulat na nasugatan o nasawi sa panig ng gobyerno habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawing indbiduwal.

Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa mga nakasagupang grupo. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here