Home ENTERTAINMENT Kasal ni Carla, may detalye na!

Kasal ni Carla, may detalye na!

313
0

Manila, Philippines – Pinatotohanan ni Carla Abellana ang kapaniwalaang “First love never dies.”

This is especially true in her case dahil ang balitang pakakasalan niya ay ang lalaking una niyang minahal.

Sa December na nakatakda ang kasal sa pagitan ng aktres at ng doktor na isang CEO ng isang pagamutan.

Ito ‘yung “mystery guy” na makalawang beses nang idine-date ni Carla minus the face reveal.

Balitang garden wedding ang magaganap sa isang bayan sa Cavite.

Hindi nga lang tiyak kung Christian ang seremonya pero malamang na civil wedding ‘yon.

Malabo raw ikasal si Carla sa simbahan dahil nasa proseso pa ang pagpapawalang-bisa ng kasal nila ni Tom Rodriguez.

Sa parte rin ni Tom, maaari itong magpakasal civilly.

Samantala, may tsikang muling sinuyo ng doktor ang aktres at hindi na pinakawalan.

This is the same guy na ayon nga sa ibinigay na clue ni Carla ay matagal na niyang kakilala.

December will be a busy month for Carla dahil bukod sa wedding preparations ay may entry pa siya sa Metro Manila Film Festival this year. Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here