Home HOME BANNER STORY 1 tigok, 3 obrero sugatan sa gumuhong elevator sa BGC

1 tigok, 3 obrero sugatan sa gumuhong elevator sa BGC

317
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang construction worker habang tatlo pa ang nasugatan matapos bumagsak ang elevator core wall sa isang construction site sa Bonifacio Global City, Taguig, nitong Lunes ng umaga, ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon sa isang engineer sa lugar, nagsasagawa ng paglalagay ng mga rebar ang mga manggagawa bandang alas-11:10 ng umaga nang biglang gumuho ang elevator core wall at tumama sa apat na trabahador sa Basement 2.

Agad dinala ng company nurse at staff ang mga biktima sa St. Luke’s Medical Center.

Isa sa kanila, na kinilalang si “Alvin,” 39 taong gulang, ay idineklarang patay dakong alas-12:11 ng tanghali. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here