Home NATIONWIDE Kausap ni misis binaril ng selosong mister

Kausap ni misis binaril ng selosong mister

322
0

MANILA, Philippines – Nasa ospital ngayon ang isang lalaki na nagtamo ng tama ng bala sa hita makaraang barilin ng isang mister na kausap ng kanyang misis sa harapan ng kanilang bahay sa Magallanes, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang biktima na si alyas Reniel, 46, may-asawa ng Brgy Bendita 2, ng nasabing bayan na naka-confine sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital dahil sa tama ng kanyang kaliwang hita.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek na si alyas Carlito, 52, magsasaka at kapitbahay ng biktima.

Batay sa ginawang imbestigasyon, bandang alas-11:20 kamakalawa ng umaga nang nakita umano ng suspek ang biktima at asawa nitong si Ronalyn na magkausap sa harapan ng kanilang bahay.

Napag-alaman na nagselos umano ang suspek, hanggang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi hanggang sa nagbunot ng kalibre 22 ang una, subalit, nagpambuno ang dalawa at pumutok ang baril dahilan para tamaan ang biktima.

Isinugod ang biktima sa ospital kung saan ginagamot habang ang suspek ay naaresto at narekober sa kanya ang baril na ginamit nito. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here