Home METRO 3 tigok, 2 nawawala sa bumulusok na trak sa ilog

3 tigok, 2 nawawala sa bumulusok na trak sa ilog

232
0

BONTOC, Mountain Province – Patay ang tatlong katao matapos mahulog sa Chico River ang isang Elf truck kasunod ng karambola ng tatlong sasakyan sa Sitio Gawa, Barangay Rocucan, Bontoc, Mountain Province.

Ayon sa Bontoc Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Operations Center, nabangga ng Elf truck ang isang Fiera at isang mini-dump truck habang binabagtas nito ang pakurbadang kalsada sa mabundok na bahagi ng Gawa.

Dahil dito, lumihis ang Elf truck sa kalsada at nahulog ito sa bangin na may lalim na 100 meters, hanggang sa mapunta sa Chico River.

Narekober ng responders ang tatlong katawan mula sa nahulog na truck.

Namatay ang tatlo dahil sa matinding pinsala sa kanilang ulo at katawan.

Nabatid na ang mga sakay ng truck ay mga manggagawa ng Balintugan Construction, na papunta sana sa kanilang project site sa Kuro-Kuro, Sadanga nang mangyari ang aksidente.

Nagtamo naman ng minor injuries ang mga driver at mga pahinante ng dalawa pang sasakyan na nasangkot sa insidente.

Hanggang sa ngayon ay patuloy ang paghahanap ng rescue teams sa dalawa pang katao na nawawala kasunod ng aksidente. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here