Home NATIONWIDE Paglilinis sa MNC, ‘gang ngayong araw na lang

Paglilinis sa MNC, ‘gang ngayong araw na lang

263
0

MANILA, Philippines – Ngayong araw na lamang, Lunes, Oktubre 27, 2025, papayagan ang paglilinis, pagkukumpuni, at pagpipintura sa mga puntod o nitso sa Manila North at South Cemetery.

Paalala ng pamunuan ng pinakamalaking sementeryo na mahigpit ding ipagbabawal sa mismong araw ng Undas ang pagdadala ng baril, matatalim na bagay tulad ng kutsilyo at cutter, mga nakalalasing na inumin, alagang hayop, gitara, malalakas na sound system, at anumang bagay na madaling magliyab tulad ng alcohol at thinner.

Base pa sa anunsyo, bukas ang sementeryo mula October 29 hanggang November 2, mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi, at ang huling araw ng paglilibing ay hanggang bukas na lang muna (Oct 28).

Hindi rin papayagang makapasok ang anumang uri ng sasakyan sa Nov. 1 at 2, at babalik ang regular na operasyon ng Manila North at South Cemetery sa November 3.

Ilang araw bago ang paggunita ng Undas, nakapagtala na ng 30,000 bumisita sa dalawang sementeryo, habang tinataya naman na hanggang sa November 2 ay aabot sa higit dalawang milyon ang magtutungo sa Manila North at South Cemetery. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here