Home NATIONWIDE 2 kawatan sa Louvre Museum jewelry heist, naaresto

2 kawatan sa Louvre Museum jewelry heist, naaresto

254
0

ISTANBUL — Naaresto ng mga awtoridad sa France ang dalawang suspek kaugnay ng nakaraang pagnanakaw ng walong crown jewels mula sa Louvre Museum, na tinatayang nagkakahalaga ng €88 milyon (USD102 milyon), ayon sa lokal na media nitong Linggo.

Isa sa mga suspek ay nahuli Sabado ng gabi sa Roissy-Charles-de-Gaulle Airport habang susubukang bumiyahe patungong Algeria, ayon sa BFMTV. Kasama sa pag-aresto ang border police at anti-banditry brigade. Isang pang suspek, bahagi ng apat na kataong grupo na pinaniniwalaang sumira ng bintana sa Apollon Gallery, ay nakulong din.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon para mahuli ang natitirang dalawang suspek at maibalik ang mga ninakaw na alahas. Kabilang sa nakawan ang mga alahas mula sa Marie-Louise, Marie-Amelie, Hortense, at Empress Eugenie collections, gaya ng mga kwintas, hikaw, korona, broches, at bodice bow.

Narekober ang korona ni Eugenie malapit sa museo, na tinukoy ng isang security guard ng Louvre bilang patunay na nabigo ang plano ng mga kawatan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here