MANILA, Philippines — Pansamantalang suspinde ang number coding sa National Capital Region sa Biyernes, Oktubre 31, 2025, kasabay ng All Saints’ Day Eve, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.
Ayon sa ahensya, awtomatikong hindi ipinatutupad ang number coding tuwing opisyal at non-working holidays na inanunsiyo ng Malacañang.
Pinayuhan din ang mga motorista na planuhin nang maaga ang kanilang ruta.
Ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP), na umiiral tuwing 7 a.m.–10 a.m. at 5 p.m.–8 p.m. Lunes hanggang Biyernes, ay nagbabawal sa mga sasakyan base sa huling numero ng kanilang plaka, ngunit may mga exempted na sasakyan gaya ng PUVs, TNVS, motorsiklo, truck ng basura, government vehicles, fuel trucks, firetrucks, ambulansya, media-marked vehicles, at mga sasakyang nagdadala ng perishable o essential goods. Dave Baluyot