Home HOME BANNER STORY Online hamunan ng suntukan nauwi sa kamatayan ng 15-anyos sa Pampanga

Online hamunan ng suntukan nauwi sa kamatayan ng 15-anyos sa Pampanga

268
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 15-anyos na binatilyo habang sugatan ang dalawa pa matapos ang isang aksidente sa Floridablanca, Pampanga na nag-ugat umano sa hamunan ng suntukan sa social media.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si “Jose,” 24, isang mekaniko mula Barangay Calantas, na nahaharap ngayon sa kasong murder at dalawang bilang ng frustrated murder. Ang mga biktima, pawang mga estudyante, ay papunta sana sa tagpuan matapos ang mainitang palitan ng mensahe online.

Batay sa imbestigasyon, nagkubli na sa lugar si Jose at ang kaniyang mga kasamahan bago pa man dumating ang mga biktima noong Oktubre 23.

Sa kuha ng CCTV, makikitang may mga lalaking nagtatago malapit sa boundary ng Barangay Calantas. Habang dumaraan sa motorsiklo ang mga biktima, pinukol umano ni Jose ng bote ng alak ang drayber, dahilan ng pagbangga sa bakod.

Dinala ang tatlo sa Romana Pangan District Hospital, ngunit isa ay idineklarang dead on arrival. Ang dalawa pang sugatan ay patuloy na ginagamot, at isa sa kanila ay inilipat sa JBL Memorial Hospital.

Naaresto na si Jose, habang pinaghahanap pa ng pulisya ang tatlo niyang kasabwat. Patuloy ang imbestigasyon at nananawagan ang mga awtoridad sa publiko na tumulong sa paghuli sa mga suspek. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here