Home NATIONWIDE Mula P33B, Kamara humirit ng P27B pondo sa 2026

Mula P33B, Kamara humirit ng P27B pondo sa 2026

281
0

MANILA, Philippines – Humihingi ang House of Representatives ng P27 bilyong budget para sa 2026, mas mababa kumpara sa P33 bilyon nitong 2025.

Sa ilalim ng House-approved House Bill 4058, P14.89 bilyon ang nakalaan sa general management at supervision, P649.4 milyon para sa personnel benefits, at P12.16 bilyon para sa legislation at kaugnay na aktibidad.

Habang tumaas ang alokasyon para sa management at personnel benefits kumpara 2025, bumaba naman ang budget para sa legislation mula P22 bilyon sa P12.16 bilyon.

Nakalaan din sa panukalang budget ang P18 bilyon para sa maintenance at operating expenses, P8.12 bilyon para sa personnel services, at P1 bilyon para sa capital outlay.

Mas mataas naman ang P27 bilyong panukala ng House kumpara sa P16.3 bilyong inirekomenda ni Pangulong Marcos Jr. para 2026.

Nanawagan si Gabriela party-list Rep. Sarah Elago na maging transparent ang House tungkol sa budget, lalo na sa gitna ng mga isyu ng korapsyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here