MANILA, Philippines – Palalakasin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price monitoring activities nito para masiguro na ang mga produkto ngayong Undas at mananatiling abot-kaya at may sapat na suplay para sa mga consumer.
Nitong Miyerkules, Oktubre 29 ay pinangunahan ni DTI Secretary Cristina Roque ang inspeksyon sa isang pamilihan sa Guadalupe, Makati City kung saan minonitor ng kanilang team ang presyo at suplay ng basic necessities at prime commodities, partikular ang mga kandila at bottled water na karaniwang binibili tuwing Undas.
Sa inspeksyon, napag-alaman na lahat 224 stock keeping units nito ay pasok sa retail price list ng ahensya.
“We commend our retailers for upholding fair prices in the interest and welfare of our consumers,” saad sa pahayag ni Roque.
“Rest assured that the DTI will continue to diligently monitor markets to keep prices affordable while also ensuring that our businesses remain sustainable and profitable. It’s a win-win for all.”
Mula nang magsimula ang Oktubre ay nag-inspeksyon na ang DTI sa 19 flower shops upang tingnan ang price compliance nito at hinimok ang mga vendor na magbigay ng angkop na presyo sa mga produkto. RNT/JGC