Home NATIONWIDE Kasong dismissal kay Villanueva, maaari pang buhayin ng Ombudsman – ex-SC justice...

Kasong dismissal kay Villanueva, maaari pang buhayin ng Ombudsman – ex-SC justice Carpio

293
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na maaari pa ring buhayin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang kaso ng dismissal ni Sen. Joel Villanueva.

Sinabi ni Carpio na maaaring magkaroon ng paglabag sa due process kung ang desisyon ni ex-Ombudsman Samuel Martires na ibasura ang pagpapaalis kay Villanueva ay ilihim kahit sa prosekusyon, na aniya ay may karapatan ding maghain ng motion for reconsideration kahit isang beses.

Maalal na ipinag-utos ng kahalinhinan ni Martires na si Conchita Carpio Morales na sibakin si Villanueva sa serbisyo noong 2016 matapos mapatunayang mananagot sa maling paggamit ng kanyang P10 milyong Priority Development Assistance Fund o pork barrel, na inilabas noong 2008 nang siya ay kinatawan pa ng CIBAC party-list group.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Remulla na sisikapin niyang ipatupad ang pagkakatanggal kay Villanueva ngunit agad ding umatras matapos malaman ang tinawag niyang “lihim” na pagbaligtad ni Martires sa pagkakatanggal sa trabaho noong 2019, mahigit dalawang taon ang lumipas mula nang desisyunan ni Morales.

Sinabi naman ni Martires na si Villanueva at iba pang respondents ay naghain ng motion for reconsideration sa dismissal order ni Morales sa loob ng pinapayagang timeframe.

Sa ilalim ng mga tuntunin ng Ombudsman, ang isang mosyon para sa muling pagsasaalang-alang ay dapat na ihain sa loob ng 10 araw pagkatapos matanggap ang desisyon o kautusan.

Pero pag-upo ni Remulla, sinilip ang kaso ni Villanueva at sinabing pag-aaralan ang pagbasura sa kanyang kaso na aniya ay maari muling ihain ang kaso –na ang argumento rito ay hindi lalabag sa pagbabawal laban sa double jeopardy.

Sinabi naman ni Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna na maari pa ring managot si Martires kung magdedesisyon siya sa motion for reconsideration ni Villanueva hinggil sa kanyang dismissal case na lampas sa makatwirang panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here