Home METRO CCTV sa harap ng Manila North Cemetery, nasunog

CCTV sa harap ng Manila North Cemetery, nasunog

314
0

MANILA, Philippines – Nasunog ang isang CCTV na nakakabit sa harap ng Manila North Cemetery (MNC) Huwebes ng hapon.

Sa nakuhang impormasyon, bigla na lamang nag-apoy ang CCTV na nakakabit sa isang malaking puno sa harapang bahagi ng sementeryo.

Maagap namang nakatugon ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at agad naapula ang sunog.

Wala namang iniulat na nasaktan sa insidente at hindi na rin lumaki ang apoy o gumapang sa mga linyada o wirings.

Posible umanong nag-init ang CCTV at nasunog nang mabasa ito matapos bumuhos ang malakas na ulan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here