Home NATIONWIDE PNP nakapagtala ng pagbaba ng krimen mula Agosto ‘gang Oktubre

PNP nakapagtala ng pagbaba ng krimen mula Agosto ‘gang Oktubre

270
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng pagbaba ng krimen ang Philippine National Police (PNP) sa bansa sa nakalipas na tatlong buwan.

Sa pahayag, sinabi ng PNP na ang index crimes ay bumaba ng 13.96% o mula 6,961 kaso mula Hulyo 2025 hanggang Agosto 25, 2025, ay naging 5,989 kaso na lamang mula Agosto 26 hanggang Oktubre 30, 2025.

Nagkaroon din ng 14.01% na pagbaba sa focus crimes, o mula 6,931 kaso ay naging 5,960 na kaso sa kaparehong panahon.

Bukod dito, nagsagawa ang PNP ng 9,061 anti-illegal drug operations, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 10,434 personalidad at pagkakasamsam ng P1.91 bilyong halaga ng kontrabando mula Agosto 26 hanggang Oktubre 30, 2025.

Si Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. ay itinalagang acting PNP chief noong Agosto 26.

“What we are building is not only a stronger police force but a police service worthy of the confidence of the Filipino people,” ani Nartatez.

Iniulat ng PNP ang 11,500 arrests o surrenders, 5,600 nakumpiskang armas, at pagkakasamsam ng P2.86 milyong halaga ng gambling paraphernalia at P337.8 milyong halaga ng ismagel na mga produkto.

Samantala, mayroong 335 administrative cases sangkot ang 569 tauhan ang naresolba na.

“There is no place in the Bagong PNP for police officers who betray the badge. Our policy is firm—zero tolerance for corruption, abuse, or any act that undermines public trust. We will not hesitate to remove anyone who dishonors the uniform,” ani Nartatez. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here