Home HOME BANNER STORY Dela Rosa ‘di agad-agad ibibigay sa ICC – Bersamin

Dela Rosa ‘di agad-agad ibibigay sa ICC – Bersamin

302
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi agad-agad isusuko ng pamahalaan ng Pilipinas si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa International Criminal Court (ICC) sa oras na mag-isyu ito ng arrest warrant laban sa kanya.

Ang pahayag ni Bersamin ay nang tanungin tungkol sa sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na naglabas na ang ICC ng arrest warrant laban kay Dela Rosa na may kaugnayan sa war on drugs sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Viber message, sinabi ni Bersamin na ang ICC ay maaaring nag-isyu na ng arrest warrant laban kay Dela Rosa ngunit hindi pa ito naipapadala sa International Criminal Police Organization (Interpol).

Nang tanungin kung ang proseso sa senador ay kapareho sa nangyari kay Duterte, sinabi ni Bersamin na “Not anymore.”

Idinagdag pa na ang Korte Suprema ay nag-isyu na ng bagong kautusan sa extradition “requiring a prior resort to a court before the person subject to extradition may be brought out of the country.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here