Home ENTERTAINMENT Kim Chiu, handa nang mag-bold!

Kim Chiu, handa nang mag-bold!

336
0

Manila, Philippines – Sa bagong serye ni Kim Chiu, katambal ang ka-loveteam na si Paulo Avelino titled The Alibi, ay gumaganap siya bilang isang prostitute.

Sa isang eksena nga, nagpo-poll dance si Kim at nagpakita ng kanyang alindog.

Tinanong si Kim sa naganap na mediacon para sa nasabing serye kung paano siya napapayag na magpakita ng skin.

“Ang ganda ng launching ng body ko, thank you so much!” ang birong umpisang sagot ni Chinita Princess.

Dugtong niya, “Siguro naman as a 35-year-old woman, tapos na tayo sa 16-year old role na teeny (bopper), pero favorite ko talaga ang mag-teeny-teeny, magpatawa.

“Pero ‘pag tina-track ko ‘yung journey ko dito sa industriyang ito, parang nahati ko naman na sa teens, 20s (naisip ko), ano ang ipakikita ko sa aking 30s? I think it’s my skin!” tumatawang sabi ulit ni Kim.

“Pero malaki talaga ang tiwala ko sa Dreamscape as in sila talaga ang naghubog sa akin, Danica (creative manager) hala nakakaiyak (emosyonal na). Hala bakit? Hindi naman siya ginawa (na wala lang), but in artistic way. Medyo mahirap gawin pero, bakit ako naiiyak?

“Gusto ko lang magpakita ng bago. At sa mga nagsasabing hindi ako marunong sa ganitong klaseng role, ito na, ito na ‘yun and I want to prove that all of them are wrong, that I can do more than what they know.

“So, thank you talaga sa Dreamscape and of course si Pau (Paulo Avelino) din naman malaking tulong din siya dahil kita ko naman ‘yung respeto niya sa akin and sa mga direktor namin na inaalagaan ‘yung mga shots and ‘yung mga cameramen at sa mga nag-iilaw, ang ganda ng launching ng body ko, thank you!” Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here