Home ENTERTAINMENT Emma Cordero, pararangalan sa Amerika!

Emma Cordero, pararangalan sa Amerika!

291
0
Screenshot

Hollywood, California — Festive ang mood sa kampo ng Princess of Songs na si Emma Cordero dahil bibigyan siya ng Global Princess of Songs – Excellence in Music Performance awards ng prestihiyosong Gawad Amerika Awards na gaganapin sa Nobyembre 22, 2025, sa Loews Hotel Hollywood, California, USA.

Ang parangal na ito ay pagkilala sa pambihirang husay, dedikasyon, at dekadang ambag ni Emma sa industriya ng musika.

Bilang isang tunay na all-around performer, patuloy niyang pinapahanga ang mga manonood sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng kanyang powerful voice, emosyonal na pag-awit, at matinding pagmamahal sa Original Pilipino Music (OPM).

Ang kanyang matatag na presensiya sa mundo ng music ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa mga beteranong artista kundi pati sa mga kabataang mang-aawit na nagnanais sundan ang kanyang yapak.

Ayon kay Charles Simbulan, pangulo ng Gawad Amerika, “Si Emma Cordero ay higit pa sa isang performer — isa siyang inspirasyon sa mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Sa pamamagitan ng kanyang walang kupas na musika at tapat na dedikasyon sa kanyang sining, ipinapaalala niya sa atin na ang tunay na ang pagiging artist ay walang hangganan.
“Ang kanyang tinig ay hindi lang musika, kundi daluyan ng pag-asa, pag-ibig, at tibay ng diwang Pilipino.”

Kasalukuyang nakabase si Emma sa Fukuoka, Japan, kung saan siya ang president ng World Class Excellence Japan, isang organisasyong naglalayong kilalanin at bigyang kapangyarihan ang mga natatanging indibidwal mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Bukod sa kanyang karera sa musika, kapuri-puri rin ang kanyang humanitarian work sa pamamagitan ng I Wanna Give Love Foundation,”l na nagbibigay-suporta sa mga iskolar at kabataang kapus-palad.
Ang gawaing ito ay patunay ng kanyang malasakit at paniniwala na ang tagumpay at musika ay maaaring gamitin bilang instrumento ng kabutihan.

Sa pamamagitan ng kanyang sining, pamumuno, at adbokasiya, isinasabuhay ni Emma ang diwa ng isang tunay na Global Filipina — may talento, pusong mapagkawanggawa, at matibay na dedikasyon sa kahusayan.

Habang muli siyang haharap sa Gawad Amerika sa Hollywood, ang kanyang pagkilala bilang Global Princess of Songs ay magsisilbing patunay ng kanyang panghabambuhay na pag-ibig sa musika at ng pamana niyang puno ng pag-asa, inspirasyon, at pagmamahal sa kapwa. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here