Home ENTERTAINMENT Anjo, sinabing di takot sa TVJ!

Anjo, sinabing di takot sa TVJ!

314
0

Manila, Philippines – Nakasanayan na ng publiko na nagpapatawa si Anjo Yllana, pero sa pagkakataong ito’y seryoso siya.

Sa kanyang Facebook live, lantaran niyang tinira ang umano’y sindikato sa loob ng Eat Bulaga.

Matatandaang dating nag-host doon ang komedyante.

Partikular na binanatan ni Anjo si Senate President Tito Sotto.

Nais malaman ni Anjo kung tinupad nga ni TitoSen ang pangako nitong ibibigay lahat ang suweldo bilang mambabatas sa mga mahihirap na mag-aaral.

Isa raw kasi ito sa mga campaign promise ng “T” sa trio na TVJ.

Ayaw naman daw siyang patulan nito sa katwirang nagpapapansin lang daw ang komedyante.

langat din daw ang antas ng Senate press, hiling ni TitoSen.

Binanggit din ni Anjo ang hinanakit ng dating direktor ng EB na si Bert de Leon bago pumanaw.

Si Bert de Leon ay nagsilbing direktor ng EB mula pa raw noong 1979.

Bago daw ito namatay ay naihinaing nito na siniraan daw siya para matanggal sa nasabing noontime program.

Maging ang misis daw nito–ayon kay Anjo–claims to have been done “foul.”

Sa tanong kung natatakot daw ba siya sa TVJ ay “Hindi!” ang sagot ni Anjo.

Naghamon pa nga ang komedyante na maglalabas pa daw siya ng iba pa niyang mga nalalaman tungkol sa noontime program.

Kilalang mahilig idaan ni Joey de Leon sa social media ang mga saloobin nito–which often gets him into trouble.

Aabangan namin ang depensa ni Joey on behalf of TVJ.

Si Bossing Vic naman ay consistent na tahimik at hindi mahilig magpasaring. Ronnie Carrasco IiI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here