Home ENTERTAINMENT Teaser ng Wilyonaryo, inilabas na!

Teaser ng Wilyonaryo, inilabas na!

735
0

Manila, Philippines – Unang teaser pa lang ng Wilyonaryo ang umeere na sa TV, which means may mga aabangan pang pasilip sa comeback show ni Willie Revillame sa TV5.

Ang titilong Wilyonaryo ay pamagat noon ng game segment ng Wowowin noong nasa ABS-CBN pa ito.

Rehistrado ito sa pangalan ng TV host.

Sa unang teaser na inilabas, mapapansin ang isang kahong naglalabas ng mga kulay at letra.

Ito’y nangangahulugan na ang suwerteng hatid ng letra ay “magpapabago ng buhay.”

Kunsabagay, kung isang milyong piso ba naman ang ipamimigay ng Wilyonaryo araw-araw, anong buhay ng Pilipino ang hindi magbabago?

Yun nga lang, hindi kabilang sa teaser ang anunsyo kung kelan magsisimulang mapanood ito.

Pero malakas ang usap-usapan na kung hindi ito eere bago sumapit ng Pasko ay itataon ito sa kaarawan ni Willie sa January 27 next year.

Hindi rin totoong papetiks-petiks ang produksyong bumubuo ng programa dahil naghahanda na sila para sa pilot episode nito.

At lalong walang katotohanang naghihirap na ang TV host dahil ang totoo’y intact pa rin ang kanyang mga assets including landed properties.

Matatandaang Willie had to sacrifice his Wil to Win on TV5 to give way to his senatorial bid.

Pero hindi man siya pinalad manalo, mukhang mas nakatadhana siyang ipagpatuloy ang pagbibigay-saya at serbisyo publiko sa kanyang mga manonood. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here