Home NATIONWIDE Kapalit ni Zaldy Co ipinroklama na ng Comelec

Kapalit ni Zaldy Co ipinroklama na ng Comelec

262
0

MANILA, Philippines – May kapalit na ang nagbitiw na si Rep. Zaldy Co bilang kinatawan ng Ako Bicol partylist sa katauhan ni Jan Franz Chan.

Si Chan na ikatlong nominee ay pormal nang ipinroklama ng Commission on Elections (Comelec).

Noong 2025, bigong makapasok si Chan bilang kinatawan ng nasabing party-list dahil dalawang pwesto lamang ang napanalunan sa nagdaang midterm elections kung saan si Co ang kanilang first nominee.

Pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang proklamasyon kasama ang iba pang Commissioners ng poll body na isinagawa sa session hall ng main office.

Matatandaang nagbitiw si Co matapos siyang madawit sa maanomalyang flood control projects ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here