Home METRO Ilang bayan sa Cagayan lubog pa rin sa baha; Chico River umapaw...

Ilang bayan sa Cagayan lubog pa rin sa baha; Chico River umapaw kay Uwan

285
0
(c) Cagayan Provincial Information Office

MANILA, Philippines – Hindi pa rin humuhupa ang baha sa ilang bayan ng Cagayan ilang araw matapos hagupitin ng Super Typhoon Uwan ang hilagang Luzon, matapos umapaw ang Chico River na nagpalubog sa ilang bahay at kalsada.

Sa bayan ng Tuao, nagising ang mga residente sa baha na abot-dibdib at mga lansangang puno ng putik at troso.

Sa Tuguegarao City, umabot sa baywang ang baha kaya napilitang umakyat sa bubong ang ilang residente habang umabot na sa halos 12 metro ang lebel ng Cagayan River.

Patuloy ang paglikas ng mga na-trap na pamilya, habang nagsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng clearing operations sa mga kalsadang tinamaan ng landslide tulad ng Tabuk–Enrile Road.

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DPWH na magsagawa ng 24/7 clearing at repair operations sa mga apektadong lalawigan.

Ayon sa ahensya, may 40 national road sections pa rin sa bansa na hindi madaraanan dahil sa baha, landslide, at mga bumagsak na puno. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here