MANILA, Philippines – Walang tumama sa mga major jackpot ng Grand Lotto 6/55 at Megalotto 6/45 sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules.
Ang nanalong kombinasyon sa Grand Lotto 6/55 ay 10-13-16-36-05-12 na may premyong ₱116,190,560.20, habang sa Megalotto 6/45 ay 14-26-31-36-25-45 na may ₱55,425,587.60 na jackpot.
Ayon sa PCSO, maidagdag ang dalawang premyo sa susunod na draw. RNT