Home METRO 17-anyos na suspek sa pagpatay sa menor, sumuko sa awtoridad

17-anyos na suspek sa pagpatay sa menor, sumuko sa awtoridad

354
0

MANILA, Philippines – Sumuko ang isang 17-anyos na lalaki na umamin sa pagpatay sa 15-anyos na babae na natagpuan sa isang abandonadong bahay sa Laak, Davao de Oro noong Oktubre.

Kasama ang kanyang mga magulang, sumuko ang suspek noong Nobyembre 9, ayon sa pulisya.

Inamin ng menor de edad na pinatay niya ang biktima nitong nakaraang Abril sa pamamagitan ng pagsakal.

Nakilala umano niya ang biktima sa daan at inimbitahan sa inuman bago dinala sa abandonadong bahay kung saan ginawa ang krimen.

Sinadya niyang patayin ang biktima dahil sa galit matapos umano itong mang-insulto sa kanyang kinakasama.

Inalisan niya ng saplot ang biktima upang palabasin na pinagsamantalahan ito.

Oktubre lamang natagpuan ang bangkay.

Kasalukuyang inihahanda na ng awtoridad ang kasong isasampa sa suspek, na pansamantalang nasa kustodiya ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) dahil sa pagiging menor de edad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here