Home NATIONWIDE Pahayag ni Zaldy Co sa sabuwatan nila ni PBBM sa P100-B insertions...

Pahayag ni Zaldy Co sa sabuwatan nila ni PBBM sa P100-B insertions sa 2025 budget, pinabulaanan ni DBM Sec

350
0

MANILA, Philippines – Binasura ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang alegasyon ni dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co na kasama siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa nag-ayos ng pagsisingit ng P100 bilyong halaga ng mga proyekto sa panahon ng bicam process para sa 2025 national budget.

“All appropriations ordered by the President are already in the National Expenditure Program. That is why it is called the President’s Budget. So we reject any insinuations about it,” ayon kay Pangandaman.

Ang NEP ay ang programa ng alokasyon na isinumite ng executive branch sa Kongreso sa simula ng budget process, o bago ang deliberasyon ng Senado at Kongreso ukol sa panukalang outlays.

Ang bicam o bicameral conference committee deliberations ay tumutukoy sa talakayan sa pagitan ng Senado at Kongreso, layunin nito na ayusin at pag-isahin ang magkaibang bersyon ng panukalang batas mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

“The bicam is purely under the power of the legislature. We respect and strictly follow the budget process, and all our actions are aboveboard,” ayon kay Pangandaman.

Nauna rito, sa video message ni Zaldy Co, sinabi nito na noong bica­meral process noong 2024 ay sinabihan siya ni Pangandaman na nagkita sila ni Pangulong Marcos at ipinag-utos kay Co na mag-insert ng P100 bilyon halaga ng proyekto.

Ang kautusan ay bineripika aniya ni Co kay Undersecretary Adrian Bersamin at matapos nito ay tinawagan niya si Romualdez at iniulat ang kautusan ni PBBM na mag-insert ng P100 bilyon projects.

Kaya nagtataka si Co kung bakit sinasabi ni Pangulong Marcos na hindi niya makilala ang budget, samantalang lahat na ibinawas at idinagdag sa mga ahensiya ng gobyerno ay humihingi ng approval sa kanya si Pangandaman.

“Kung maalala niyo ang proseso ng budget, ginagawa po ng Executive ng anim na buwan ang ating President’s budget [or] National Expenditure Program,” ang sinabi ni Pangandaman.

“Ayon sa Konstitusyon, we have 30 days after the State of the Nation Address para i-submit ang National Expenditure Program sa Kongreso,” aniya pa rin.

“At ayon din sa Konstitution, pagkatapos natin ma-submit po ang budget sa Kongreso, magkakaroon tayo ng briefings ‘di po ba. So ginawa rin ‘yan ng executive para ma-eksplika kung paano ginawa ang President’s Budget at ang National Expenditure Program,” dagdag na wika nito.

“Pagkatapos po nun magdi-deliberate na po sila. Wala na pong role ang Office of the President, ang Executive sa bicam ‘yun lang po maraming salamat po,” ang sinabi ng Kalihim. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here