Home NATIONWIDE Lisensya ng drayber na muntik makabangga ng bata sa tawiran, sinuspinde ng...

Lisensya ng drayber na muntik makabangga ng bata sa tawiran, sinuspinde ng LTO

293
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng drayber na muntik nang makabangga ng isang bata na tumatawid sa pedestrian lane sa Novaliches, Quezon City.

Sa pahayag nitong Biyernes, Nobyembre 14, sinabi ng LTO na sinuspinde ng 90 araw ang lisensya ng drayber na nagmamaneho ng Geely GX3 sa Quirino Highway, San Bartolome.

Tinukoy ng LTO ang viral video na nagpapakita na muntik nang mabangga ng sasakyan ang bata at ina nito na sa halip na huminto ay binilisan pa ang pagpapatakbo kahit nasa pedestrian lane.

Bukod sa suspensyon ng lisensya, nakatanggap ng show cause order ang drayber at inaatasan itong dumalo sa hearing sa Nobyembre 18 sa Intelligence and Investigation Division ng LTO Central Office sa East Avenue, Quezon City.

Inatasan ng LTO ang drayber na ipaliwanag “why his license should not be suspended or revoked due to traffic violations, such as Improper Person to Operate a Motor Vehicle, Reckless Driving, Right of Way, [and] Signals on Starting and Stopping or Turning.”

Inilagay na din sa alarm status ang sasakyan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here