Home METRO Ceiling installer utas sa hit and run

Ceiling installer utas sa hit and run

259
0

ILOCOS SUR-Kamatayan ang sinapit ng isang 33-anyos na lalaki na hinihinalang biktima ng hit and run sa national highway sa Brgy. San Antonio, Narvacan ng lalawigang ito kaninang pasado alas dose ng madaling-araw.

Ayon sa Narvacan MPS, ang biktima ay isang ceiling installer, may asawa, residente ng Brgy. Nanguneg East, Narvacan, Ilocos Sur.

Sa pagresponde ng mga otoridad sa pinangyarihan ng insidente ay nakita nila ang biktimang nakabulagta sa outer lane ng kalsada katabi ang bumaligtad nitong e-bike.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Isang sirang temporary plate number ang narekober ng mga otoridad sa pinangyarihan ng insidente. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here