MANILA, Philippines – Inilatag na ng pamunuan ng Simbahan ng Quiapo ang mga paghahanda para sa aktibidad sa Kapistahan ng Jesus Nazareno 2026
Sa isinagawang press conference sa Quiapo Church, ngayong umaga ng Lunes, Nobyembre 17, sinabi ni Minor Basilica ng Quiapo spokesperson Fr. Robert Arellano na patuloy na magkakaroon ng ibat-ibang gawain simula Disyembre 31 hanggang Kapistahan ng Nazareno sa Enero 9.
Ang Kapistahan ng Nazareno 2026 na may temang “Dapat Siyang Itaas, at Ako nama’y bumaba” ayon sa Juan 3:30 ay para palalimin pa ang debosyon kay Hesus Nazareno, hindi sa rebulto.
Ayon kay Rev. Fr. Arellano ang Kapistahan ng Nazareno ay hindi pagdiriwang kundi pagpapakasakit at panalangin.
Dapat aniyang sentro si Hesus sa 10 araw na pagdiriwang ng Kapistahan dahil ito ay ang pagsamba at hindi pagsampa. Jocelyn Tabangcura-Domenden