Home OPINION PAALAM, MANONG JOHNNY ENRILE

PAALAM, MANONG JOHNNY ENRILE

268
0

PUMANAW na sa edad 101 (103 ayon sa kanyang anak na si Jackie Enrile) noong Nobyembre 13, si dating Senate President, Finance and Defense Secretary, Customs Commissioner at Presidential Legal Counsel, Juan Ponce Enrile, dahil sa karamdaman dala na rin ng kanyang edad.

Sa mga naging aktibista na katulad natin, isa siyang “masamang tao” bilang ‘chief implementer of martial law.’

Ito kasi ang matagumpay na “naitanim” sa isipan ng mga kabataan, manggagawa, magsasaka, propesyonal at iba pang sektor na “nalinlang, nabulag at napaniwala” ng mga propaganda ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army ni Jose Maria Sison.

Sa mga nag-aral naman at sumubaybay sa kanyang buhay, isa siyang inspirasyon.

Hindi naging balakid sa kanya ang kinagisnang kahirapan sa Cagayan at gamit ang likas na talino at determinasyon na umasenso, narating niya ang rurok ng tagumpay sa kanyang mga naging posisyon sa gobyerno.

Sinasabing isa sa mga katangian ni Ferdinand Marcos Sr. ay ang pagkuha ng mga opisyal sa kanyang gobyerno na katulad niya ay matalino. At isa sa mga ito ay si Juan Ponce Enrile.

Aber, tingnan ang ‘lineup’ ng naging Gabinete ni FEM at mapapansin na wala isa doon na masasabing “mahina” o “bobo” kaya nga marami siyang naging matagumpay na plano at proyekto kumpara sa ngayon.

Ilang beses ko lang nakasalamuha si JPE– noong nagco-cover pa tayo sa Senado at bilang bahagi ng Media Group ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Pero nagulat tayo nang gawin tayong ‘consultant’ ni JPE nang maging Senate President siya (2008 – 2013).

Ang siste, “naalala” pala niya ang mga tulong ko sa kanya sa media nang muli siyang tumakbo at manalong senador noong 2004 elections sa tiket ni Fernando Poe Jr o FPJ/Da King.

Mantakin ninyo, apat na taon na ang dumaan bago siya naging Senate President, pero naalala

pa niya!

Mas maraming kwento sa atin ang iba pang mga personalidad at opisyal tungkol kay JPE.

Para sa atin naman, ibinahagi lang natin ang ating personal na impresyon sa kanya. Mabuhay ka Manong Johnny!

Your memory and legacy shall live on forever!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here