Home NATIONWIDE Serye ng bomb threat sa Iloilo tinalakay ng solon sa privilege speech

Serye ng bomb threat sa Iloilo tinalakay ng solon sa privilege speech

387
0

MANILA, Philippines – Kinondena ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin sa kanyang privilege speech ang serye ng mga bomb threat na bumulabog sa Iloilo sa mga nakalipas na araw.

“Bomb threats are not jokes. They are crimes. Hindi lang ito nakakapag-antala ng klase, sinisira nito ang tiwala sa awtoridad at nagpapahirap sa buong komunidad,” pahayag ni Garin sa Kamara nitong Martes, Nobyembre 18.

Nanawagan ang mambabatas sa mga awtoridad na tukuyin ang mga nasa likod nito, dahil nagdala na rin ang serye ng mga bomb threat ng pangamba, kaguluhan at pagkaantala sa buhay ng mga residente lalo na sa education sector sa Iloilo City, Iloilo, Antique, at Guimaras.

Ayon kay Iloilo Governor Arthur Defensor, Jr., seryosong tututukan ng probinsya ang usaping ito.

“Seryoso ang bagay na ito, may mga batas tayo that together with the other agencies, we will investigate. Maayos na pagkuha ng ebidensya at kung mailagay sa tama ang ebidensya, maayos ang maisasampa nating kaso. Seryoso ang bagay na ito and we will pursue this upang hindi na magpatuloy,” giit ni Defensor.

Mula gabi ng Nobyembre 18 hanggang Nobyembre 19 ay limang paaralan sa mga probinsya ng Iloilo, Antique, at Guimaras ang nakatanggap ng bomb threat.

Ito ay ang Iloilo National High School, St. Robert’s International Academy, West Visayas State University – Lambunao campus, University of Antique, at Remedios E. Vilches National High School.

Batay sa datos mula sa Iloilo City Police Office (ICPO), kabuuang 29 bomb threats ang nakatanggap ng 15 colleges at high schools sa lungsod ngayong 2025, kumpara sa tatlo noong 2024. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here