MANILA, Philippines – Naghain ng mosyon si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na manatili sa Pasay City Jail Female Dormitory sa halip na ilipat sa all-women’s correctional facility kasunod ng kanyang conviction sa qualified human trafficking charges.
Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), si Guo sa pamamagitan ng kanyang counsel ay naghain ng mosyon sa Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 167.
Itinakda sa Miyerkules, Nobyembre 26 ang court hearing sa kanyang plea.
“This means na maantala muna ang paglipat sa kanya sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong,” sinabi ni PAOCC Spokesperson Winston Casio.
Nitong Huwebes, matatandaan na napatunayang guilty si Guo sa qualified human trafficking at sinentensyahan ng habambuhay na pagkakulong.
Ipinag-utos ang agad na paglilipat kay Guo sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City, kasama ang kanyang co-accused na naka-detain sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa City. RNT/JGC