MANILA, Philippines – Kinasuhan ng Department of Justice ang New Seataoo Corp. at Seataoo Information Technology OPC, kasama ang kanilang mga opisyal at direktor dahil sa umano’y pagsali sa mga iligal na scheme ng pamumuhunan, ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Sa isang pahayag, sinabi ng corporate watchdog na nakahanap ang mga state prosecutors ng prima facie evidence para kasuhan ang mga entity na ito para sa paglabag sa Section 8 at 28 ng Securities Regulation Code (SRC).Ito ay kaugnay sa Cybercrime Prevention Act.
Inirerekomenda rin ang pagsasampa ng 54 na bilang ng paglabag sa Section 26 ng SRC. Ang bawat bilang ay kumakatawan sa mga reklamo na inihain ng mga mamumuhunan.
Bukod sa dalawang kumpanya, ang mga executive na kinasuhan ay sina New Seataoo CEO Widiana Chen at peoject manager Dylan Lim.
Kinasuhan din ang mga direktor na sina Anna Rose Jangao Tero, Jonathan Tuazon Garcia, Danny Tuazon Sudaria, Lew Yean Yee at Seow Kai Sheng.
Kasama rin ang nag-iisang stockholder ng Seataoo OPC na si Jayson Corono Clidoro. Jocelyn Tabangcura-Domenden