Home OPINION PANALANGIN, PANGUNAHING SANDIGAN NG MGA PINOY SA PAGHARAP SA MGA STRESS

PANALANGIN, PANGUNAHING SANDIGAN NG MGA PINOY SA PAGHARAP SA MGA STRESS

296
0

SA pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), ang panalangin ang nangungunang paraan ng mga Filipino upang harapin ang stress at pressure sa araw-araw na buhay.

Batay sa nasyonal na survey na isinagawa sa 1,500 Fili­pino na nasa hustong gulang, 16 porsyento ang nagsabing uma­asa sila sa panalangin o iba pang espiritwal na gawain para mabawasan ang stress.Kasunod nito, 14 porsyento ang nagpahinga o natutulog bilang paraan ng pag-relax, habang 11 porsyento ang lumalabas o naglalakbay upang maglibang at makapag-recharge.

Iba pang paraan ng pagha­rap sa stress ay ang pagiging positibo (7 porsyento), pagtutok sa trabaho o pag-aaral (6 porsyento), at pagpapalampas o paglimot sa problema (6 pors­yento). Limang porsyento ang nagsabing kasama ang pamilya o nag-eehersisyo upang maibsan ang stress, samantalang apat na porsyento ang naglalaro, gumagawa ng mga gawaing bahay, o nanonood ng TV at pelikula.

Kabilang din sa iba pang na­banggit ang pagkain, pagkanta, o pakikinig sa musika (4 pors­yento), at dalawa porsyento ang gumagamit ng social media o umiinom ng alak bilang coping mechanism. Iilan lamang ang nagsabi ng paghahalaman, pa­ninigarilyo, pag-iyak, o paghaha­nap ng tulong medikal.

Ayon sa SWS, ang tatlong pangunahing paraan ng pagharap sa stress na panalangin, pahi­nga, at paglabas, ay nananatiling pareho sa mga taong madalas o matindi ang nararanasang stress sa araw-araw.

Kadalasang nagmumula ang major stress sa aspekto ng pananalapi, kalusugan, trabaho o pag-aaral, at pamilya.

Napansin rin sa survey ang pagkakaiba sa kasarian at rehiyon pagdating sa coping styles.

Mas maraming kababaihan kaysa kalalakihan ang uma­asa sa panalangin na nasa 20 pors­yento kumpara sa 12 porsyento. Sa rehiyon naman, nanguna ang panalangin sa Ba­lance Luzon at Metro Manila, samantalang pahinga o tulog ang pangunahing paraan sa Min­d­a­nao at Visayas.

Isinagawa ang survey sa pa­­mamagitan ng face-to-face interviews mula September 24 hanggang September 30, 2025, na may pambansang margin of error na plus o minus 3 por­s­yento. Ayon sa SWS, ang survey ay hindi commissioned at layuning magsilbi bilang pampublikong serbisyo upang mas maunawaan ang mental health habits ng mga Filipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here