Home OPINION SOBRANG ‘TAKAW’ NA OPISYAL NG QCPD

SOBRANG ‘TAKAW’ NA OPISYAL NG QCPD

301
0

ALAM kaya ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at maging ni National Capital Region Police Office director PMGen Anthony Aberin syempre isama pa si Philippine National Police Acting Chief PLtGen Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. na may opisyal sa Quezon City Police District ang lihim na tinatawag ng sarili niyang mga tauhan bilang “Boy Buwaya”?

Hindi ito basta bansag na Boy Buwaya ng kanyang mga tauhan sapagkat lahat ng “parating” kasama ang koleksyon ng sugal at maging punerarya na ginawa na rin nilang “bukal ng salapi” ay diretso sa kanya.

Sa madaling salita, sa kanya na lang opisina dumiretso ang lahat ng pera at hindi na umaagos pababa sa ibang opisyal at tauhan na nagtrabaho subalit hindi na nakikinabang.

Ayon sa mga tauhang uhaw sa ganansiya, ang kanilang opisyal ay sobrang takaw sa salapi.

Sa ibang salita pa, gutom ang kanyang mga tauhan (pagkain at panggastos) habang ang opisyal na ito ay nasa loob ng kanyang air-conditioned room nakaupo sa swivel chair at nagpapahinga dahil sa sobrang kabusugan sa perang umaakyat sa kanyang tanggapan.

Alam kaya ito ng acting director ng QCPD na si Col. Glen Silvio? Imposibleng hindi niya alam. At kung hindi niya alam, hindi siya dapat maupo sa kanyang kinalalagyan ngayon.

Bulung-bulungan, kampante si Silvio na hindi siya masisibak sa pwesto sapagkat malapit siya kay Mayor Belmonte. Sa madaling salita, gusto na siyang manatili sa pwesto at isa na ring dahilan ay ang pagiging miyembro niya ng Iglesia ni Cristo.

Pero ang totoong ipinagmamalaki ng acting director ng QCPD ay ang pagiging malapit niya kay Aberin na isa ring miyembro ng INC.

Maraming pulis na nakatalaga sa Camp Karingal ang hindi lang nagsasalita subalit para sa kanila, hindi karapat-dapat si Silvio sa kanyang pwesto. Napwesto sa QC pero madalas sa hindi naliligaw siya dahil sila ng driver niya ay hindi kabisado ang mga lugar sa kanyang area of responsibility. Aminin man niya yan o hindi!

Kung husay, dedikasyon at talino, mas higit na karapat-dapat sana ang totoong “Batang Kyusi” na si BGen Arnold Santiago na maupo sa pwesto bilang District Director ng QCPD.

Lamang, hindi siya sinuwerte noong nakaupo si PGen Nicolas Torre III na masungkit ang titulo bagaman marami ang nagback-up sa kanya sapagkat may tampo ang noo’y hepe ng pambansang pulisya sa isang sekta ng relihiyon.

Kahit hindi magkasundo ang inyong Pakurot at si Santiago dahil noon pa man ay nagbabanggaan na sa prinsipyo, ang tinitingnan naman natin ay ang kakayahan at pagnanais na magserbisyo sa bayan at hindi ang aming sari-sariling hidwaan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here