Home METRO Trike driver sa Cebu itinumba

Trike driver sa Cebu itinumba

291
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 42-anyos na tricycle driver sa Barangay Ocaña, Carcar City, Cebu madaling araw ng Biyernes, Nobyembre 21.

Sa inisyal na report ng pulisya, rumesponde ang mga tauhan ng Carcar City Police Station sa tawag tungkol sa isang “found dead person” sa Sitio Bacsije bandang 4:50 ng umaga.

Pagdating dito ay naabutan ng mga awtorida ang biktima na kinilalang si Jess Husain Lawas, residente ng kaparehong sitio na nakahandusay at wala nang malay sa loob ng tricycle.

Ayon sa pulisya, si Lawas ay nakaupo sa kanyang tricycle at naliligo sa sariling dugo matapos magtamo ng kabi-kabilang tama ng bala ng baril.

Sa imbestigasyon, minamaneho ni Lawas ang kanyang tricycle nang dumating ang hindi pa tukoy na lalaking suspek, lapitan ito at paputukan ng ilang beses sa likod.

Hindi pa matukoy ang motibo sa pamamaril na anang mga awtoridad ay biglaan.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Ocaña Gym area, batay na rin sa mga saksi at initial scene assessment ng mga imbestigador. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here