Home OPINION DROGA, KORAPSYON AT NOTARYO

DROGA, KORAPSYON AT NOTARYO

244
0

BUKAS na bukas at hindi na maitatago ang mga pahayag ng mga taong may pinakamalalim na ugnayan kay Pangulong Bongbong Marcos ukol nagsisilakihang kikbakan, anomalya at droga.

SA DROGA

Si Senador Imee Marcos, sa harap ng mahigit 500,000 aktuwal na kasali sa rally ng Iglesia ni Cristo sa Luneta o Rizal Park mismo ang nagsabing lulong sa mga drogang cocaine at marijuana ang kapatid niyang si Pang. Bongbong.

Bukod sa paglalabas sa Luneta ng pahayag, umalingawngaw rin ito sa buong Pilipinas dahil kinoberan ng lahat ng local media ito mula diaryo hanggang telebisyon, radio at social media na may kanya-kanyang sangay na online kaya nakarating din ito sa buong mundo sa bisa ng internet.

Pinulot din ang pahayag ng malalaking media hindi lang sa Asya kundi sa Amerika, Europa, Gitnang Silangan, Africa at iba pa.

Ikinabit din ang pahayag sa mga grabeng korapsyon sa anyo ng kikbak, panunuhol at insertion sa pambansang badyet.

Mayroon lang naging kapansin-pansin sa lahat: Walang humihingi kay Manang Imee na ipanotaryo niya ang kanyang pahayag at, higit pa, walang sinoman sa Senado o Kamara o Ombudsman o Independent Commission for Infrastracture ang nangangahas na magpasimula ng imbestigasyon sa droga.

Hmmmmm!

TIANGCO, BONGBONG, ROMUALDEZ, ZALDY MEETING

Nitong mga huling araw, makaraang magsilabasan ang mga paratang ni Zaldy Co sa umano’y pangingikbak sa mga proyektong imprastraktura maging ng Pangulo, humarap si Navotas City Congressman Toby Tiangco sa media at ikinuwento niya ang meeting niya, kasama mismo si Pang. Bongbong, ex-Speaker Martin Romualdez at ex-Ako Bikol Representative Zaldy Co. noong Nobyembre 24, 2024.

Dito niya isiniwalat ang pagpapagalit ng Pangulo kina Romualdez at Co ukol sa sobrang katakawan nila sa salaping bayan.

“Pag-upong pag-upo, ang bungad talaga kaagad ng Presidente kay Martin is, ‘Martin, kayo ni Zaldy, ilan bang bahay sa Forbes ang gusto niyong bilhin? Ilan bang eroplano ang kailangan ninyo? Ilan bang Ferrari ang gusto ninyo? Gaano karaming pera ba ang gusto niyo? Gaano karaming caviar ba ang kaya niyong kainin? “Kayo ni Zaldy Co, sobra na kayo. Kinukuha niyo lahat ng pondo…Alam mo, Martin, wala akong natatanggap dyan.”

Muli, walang imik ang ICI, Senado, Kamara at Ombudsman at wala ring humihiling na ipanotaryo ni Tiangco ang kanyang mga pahayag saka imbestigahan ito.

PAHAYAG NI CO

Sakaling hindi gawa ng AI at totoo ang mga lumalabas na pahayag ni Zaldy Co ukol sa kikbakan, sinasabi nitong siya mismo ang nagdeliber kay Pang. Bongbong ng P1 bilyon makaraan itong magreklamo na wala siyang natatanggap at idineliber ito sa bahay mismo ng Pangulo sa loob ng Forbes Park.

Pinaghatian din umano nina Romualdez at Pang. Bongbong ang P56B kikbak sa mga proyekto mula noong 2022 hanggang 2025, bukod pa ang P25B mula sa P100B insertion sa 2025 national budget.

Siya mismo umano ang nagdedeliber ng mga kikbak na ito, kasama ang kanyang mga drayber at tauhan, kasama si ex-Marine Orly Guteza.

Heto naman ngayon ang kakaiba: Pinipilit si Co na umuwi na sa Pinas upang mapanotaryo ang kanyang mga pahayag at maimbestigahan.

Sey niyo, mga Brod?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here