Home NATIONWIDE ₱1.044-T DepEd budget, lusot na sa Senado

₱1.044-T DepEd budget, lusot na sa Senado

524
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Senado ang ₱1.044-trilyong budget ng Department of Education para sa 2026, pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa.

Ayon sa mga senador, makakatulong ito sa mas mabilis na konstruksyon ng mga silid-aralan, mas mataas na kompensasyon para sa mga guro, sapat na kagamitan para sa mga estudyante, at paglutas sa kakulangan ng guro sa buong bansa.

Nagpasalamat si DepEd Secretary Sonny Angara sa suporta ng mga mambabatas at binanggit ang mga kasalukuyang programa tulad ng pinahusay na Senior High School curriculum, TESDA-aligned Tech-Voc certifications, pinalawak na digital connectivity sa mga paaralang walang serbisyo, at pag-deploy ng 10,000 school counselor associates para sa mental health at anti-bullying programs.

Pinuri ng Senado ang pamumuno ni Angara at kahandaan ng DepEd na ipatupad ang mga rekomendasyon mula sa EDCOM II. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here