Home METRO Gun smuggler nalambat ng SPD sa entrapment ops

Gun smuggler nalambat ng SPD sa entrapment ops

207
0

MANILA, Philippines – Nahuli sa Makati City nitong Lunes ng gabi, Nob. 24, ang 22 anyos na gun smuggler na kilala bilang alyas Pene, residente ng General Mariano Alvarez, Cavite, sa isinagawang entrapment operation ng District Special Operations Unit (DSOU-SPD) at iba pang yunit ng pulisya.

Naganap ang pag-aresto dakong alas-9:20 ng gabi sa EDSA corner Evangelista St., Barangay Bangkal, matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Regular Confidential Informant tungkol sa ilegal na pagbebenta ng hindi lisensiyadong baril ng suspek.

Nakumpiska sa suspek ang isang silver Norinco .45 caliber pistol na may pitong bala, isang cellphone, at P1,000 marked money. Ang baril ay dinala sa Firearms and Explosives Office para sa ballistics at verification ng registration, habang haharap sa kasong paglabag sa RA 10591 ang suspek sa Makati City Prosecutor’s Office.

“Ang matagumpay na operasyon na ito ay resulta ng aming proactive intelligence gathering at dedikasyon sa pagpapanatili ng seguridad sa Southern Metro. Ang pag-aresto sa suspek at pagkumpiska ng hindi rehistradong baril ay malinaw na mensahe: hindi pinapayagan ang ilegal na kalakalan ng baril sa aming hurisdiksyon,” ayon kay SPD Director P/Brig. Gen. Randy Arceo. James Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here