MANILA, Philippines – Naghain ng reklamo si LTFRB spokesperson Ariel Inton kasama ang National Public Transport Coalition (NPTC) sa pangunguna ni Danilo Yumul laban kay LTFRB Region 3 Regional Director Richard A. Albano.
(c) Danny Querubin
Inilahad ang reklamo sa isang press conference sa Quezon City noong Miyerkules, Nobyembre 26, 2025, kaugnay ng umano’y anomalya sa pagpaparehistro ng mga Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Wala pang karagdagang detalye o pahayag mula sa LTFRB tungkol sa susunod na hakbang. RNT