Home METRO Makabagong San Juan Animal Care Center, pinasinayaan

Makabagong San Juan Animal Care Center, pinasinayaan

313
0
(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Pangungunahan ni San Juan City Mayor Francisco Javier M. Zamora ang groundbreaking ng bagong Makabagong San Juan Animal Care Center na nagkakahalaga ng ₱30 milyon.

Ang tatlong-palapag na pasilidad na ito ay papalit sa lumang City Pound na madaling baha at hindi na angkop sa lumalaking pangangailangan ng lungsod sa serbisyong pang-alagang hayop.

(c) Danny Querubin

Kabilang sa mga pasilidad ang reception at records area, clinic at surgery room, washing at grooming area, infirmary, dog at cat kennels, opisina ng beterinaryo, nursery, storage rooms, at mga play area para sa mga alaga.

Sa pagkakumpleto nito, mas mapapalakas ng San Juan ang kakayahan sa responsableng pangangalaga ng alagang hayop, beterinaryong serbisyo, rescue operations, at humane sheltering, na sumasalamin sa pangako ng lungsod sa progresibo at climate-resilient na pamamahala. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here