Home NATIONWIDE Kampo ni Cassandra Ong kinuwestiyon P1M reward ng DOJ: Panglihis sa flood...

Kampo ni Cassandra Ong kinuwestiyon P1M reward ng DOJ: Panglihis sa flood control

246
0

Manila, Philippines – Nais lamang umanong ilihis ng administrasyon ang atensyon mula sa mainit na kontrobersiya sa flood control projects ang pag-aalok ng Department of Justice (DOJ) ng P1 milyon pabuya sa makakapagturo sa lokasyon ni Cassandra Ong para siya ay maaresto.

Ito ang tahasang pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Ong, na nagreklamo sa umanoy halos walang tigil na harassment sa kanyang kliyente.

Ayon kay Topacio, tuwing nabubunyag ang pangalan ng Pangulo at mga kaanak sa kontrobersiya, ibinabalik umano ng administrasyon ang mga lumang isyu bilang distraksyon.

Giit ni Topacio, dapat maging patas ang DOJ kung seryoso talaga sa paghahanap ng hustisya sa mga biktima ng krimen.

Aniya, nararapat din na mag-alok ng parehong reward upang madakip ang mga suspek sa pamamaslang o ang mga sangkot sa pagrerecruit sa mga kabataan para sumali sa armadong grupo, na kadalasan ay nauuwi sa pagkamatay sa engkuwentro.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here