MANILA, Philippines – Pangungunahan ni San Juan City Mayor Francisco Javier M. Zamora ang groundbreaking ng bagong Makabagong San Juan Animal Care Center na nagkakahalaga ng ₱30 milyon.
Ang tatlong-palapag na pasilidad na ito ay papalit sa lumang City Pound na madaling baha at hindi na angkop sa lumalaking pangangailangan ng lungsod sa serbisyong pang-alagang hayop.







