Home OPINION FDA NANGUNGUNA SA MAY PINAKAMARAMING REKLAMO SA RED TAPE

FDA NANGUNGUNA SA MAY PINAKAMARAMING REKLAMO SA RED TAPE

273
0

INILABAS ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang listahan ng sampung pinakamahina at pinakamabagal na ahensya ng pamahalaan at government-owned and controlled corporations (GOCCs) pagda­ting sa pagproseso ng serbisyo publiko.

Sa ulat na isinumite ng ARTA sa Senado, lumabas na ang Food and Drug Administration (FDA) ang nangunguna bilang pinaka-inepisyente matapos makapagtala ng 465 na reklamo mula January 2025 hanggang nitong August 2025.

Sadyang mabagal ang pag­release ng renewal ng LTO at lalong-lalo na sa Certificate of Product Registration (CPR). Ma­tagal na ang maling gawain ito ng FDA kaya kawawa talaga ang Food & Drug at Cosmetic Industries kung walang produktong madadala at maibebenta sa pa­­milihan na kailangan ng ating mga kababayan dahil sa sad­yang iniipit ng FDA ang kanilang lisensya, LTO at CPR.

Dahil sa bulok na sistemang umiiral sa FDA, hirap na hirap ang Food & Drug at Cosmetic Industries.
Imbes kasing maka­tulong sa kanila ang pamahalaan nagiging pabigat at pasakit pa. Mukhang hindi ganito ang mandato ng FDA, dapat lamang nilang maseguro na ligtas ang mga pagkain at gamot na ibinebenta sa pamilihan.

Kasunod ng FDA ang mga sumusunod na ahensya na nakatanggap din ng mataas na bilang ng red tape complaints:
– Land Transportation Office (LTO), 287;
– Bureau of Internal Revenue (BIR), 239;
– Philippine Statistics Autho­rity (PSA), 171; at
– Land Registration Autho­rity (LRA), 113;

Kabilang din sa listahan ang:
– Department of Environment and Natural Resources (DENR), 94;
– Department of Human Settle­ments and Urban Deve­lopment (DHSUD), 91;
– Department of Foreign Affairs (DFA), 64;
– Professional Regulation Commission (PRC), 46; at
– Bureau of Customs (BOC), 44

Sa rami ng reklamong natanggap, iminungkahi ng ilang se­nador na gawin nang regular ang paglalabas ng naturang lis­tahan upang magsilbing “pres­sure” sa mga ahensyang ma­ba­gal at hindi tumutupad sa iti­­na­takdang service standards.

Ayon sa mga mambabatas, makatutulong ang “naming and shaming” para pabilisin ang digitalization, pagpapaiksi ng pila, at pag-aalis ng sobrang papeles sa mga tanggapan.

Kaugnay nito, iniulat din ng ARTA na nakapaghain na ito ng 313 kaso sa Office of the Ombudsman laban sa iba’t ibang lokal na pamahalaan dahil sa paglabag sa Anti-Red Tape Act at Ease of Doing Business Law kabilang dito ang mga rekla­mong hindi umano pagsunod sa prescribed processing time, red tape schemes, at pang-aabuso sa kapangyarihan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here